Layunin : Nakapagbubuod ng maikling kwento gamit ang kompyuter.
PAGLALAYAG SA PUSO NG ISANG BATA ni Genoveva Edroza - Matute

Nagsimula ito sa isang batang maliit, maitim, pipis ang ilong at mukha at panget. Ito ay laging walang imik, malungkot at tahimik sa kanilang klase. Nakasanayan niya ang pagsambit ng “Goodbye Teacher” sa tuwing natatapos ang kanilang klase. Napansin ito ng guro kaya gumawa siya ng paraan o hakbang para kahit papaano ay sumaya naman ang kanyang estudyante. Inutusan niya ito na kunin ang kaniyang tsinelas at itapat sa kaniyang paanan, kumuha ng walis at magwalis, ayusin ang mga upuan at ibili siya ng mga gusto niyang kainin. Dahil dito, naging masayahin na ang bata at naging malapit na ang kanilang loob sa isa’i isa.
Ngunit isang araw ay mainit ang ulo ng guro sa hindi malamang kadahilanan ay nang lumapit sa kanya ang bata ay nasigawan niya ito at napagsabihan ng hindi magagandang salita. Mula noon ay bumalik na sa dati ang bata, malungkutin, tahimik, at walang imik at sa unang beses ay hindi siya nagsambit ng “Goodbye Teacher” sa kanyang guro. Ngunit isang araw, ang guro na lamang ang nag-iisa sa kanilang silid-aralan ay may nakita siyang isang bata na nakadungaw sa pinto at maluha-luha ang mga mata nito. Sabay nagsambit ito sa muling pagkakataon ng “Goodbye Teacher” sa kanyang guro. Ang kwentong ito ay nagpapatunay lamang na kahit ang isang bata pa lamang ay nasasaktan din.